Walong bilanggo sa National Bilibid Prison (NBP) ang iniulat na nasawi dahil sa dehydration.
Nabatid na nagkaroon ng krisis sa malinis na tubig sa Bilibid matapos na putulin ang suplay ng tubig kasabay ng ginagawang clearing operation dahilan ng pagkakasakit na nauwi sa dehydration ng mga preso.
Oktubre 9 nang suspendihin ng Bureau of Correction (BuCor) ang dalaw ng mga preso, pagputol sa delivery ng malinis na tubig at pagwasak sa quarters ng mga bilanggo.
Ang mga kautusang ito ay labis na tinutulan ni Dolores Pangilinan, asawa ng isang preso na siyang lider ng Samahan ng mga Pamilya ng Nasa Death Row.
Winawasak ng BuCor sa ilalim ng pamumuno ni Gerald Bantag ang mga iligal na istraktura sa Bilibid.