Walong katao ang patay matapos mag-crash ang Agusta WW24 aircraft na papunta sanang Tokyo, Japan para sa medical evacuation mission.
Nangyari ang insidente alas-otso ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.
Kabilang sa mga namatay ay isang Amerikano, Canadian, flight medic, doktor, nurse at tatlong flight crew.
Sa ngayon ay nasa imbestigasyon pa ang nangyari ngunit ayon sa statement ng Civil Aviation Authority of the Philippines, ilang beses na umanong naiulat na mayroong technical problems ang nasabing aircraft.