Namayagpag ang University of the Philippines Diliman sa katatapos na Geologist Licensure Examination.
Ito ay matapos na pumasok sa top 10 ang walong graduate ng Unibersidad ng Pilipinas – Diliman (UPD).
Topnotcher si Dwayne Joshua Pineda Rafael na may rating na 85.40%.
Ayon sa Professional Regulation Commission sa 473 kumuha ng exam nitong Nobyembre 2019 ay 262 ang pumasa.
Maliban sa pamamayagpag ng UP sa top 10 ay nakakuha din ang unibersidad ng rating na 96.88% ang natatanging top performing school sa nasabing exam.