Pumalo sa 8.26 milyong mga turista ang bumisita sa bansa noong 2019.
Ito ang ibinida ng Department of Tourism (DOT) at iginiit na nakamit nito ang 8.2 milyong target na turista.
Nalagpasan pa nito ang target dahil nasa 8.26 million ang mga dumayo sa bansa, mas mataas ito ng 15.24 percent kumpara noong 2018 na may 7.18 million.
“This heralds a new milestone in the country’s tourism history, breaching the eight millionth mark,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
“Without a doubt, our convergence programs with other government agencies, particularly in improving access as well as product development and marketing initiatives with local government and private sector have greatly paid off,” giit pa ng kalihim.
Kaugnay nito ay nabahala ang DOT sa nangyaring coronavirus scare dahil tinatayang papalo sa P42.9 billion ang mawawala sa tourism industry mula Pebrero hanggang Abril ng 2020 dahil sa mga ipinatupad na travel ban.