70-taon doktor, tinamaan ng COVID-19

Isang 70-anyos na doktora ang bagong nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bataan.

Ayon kay Gov. Albert Garcia, ang doktor ay ang ikapitong kaso sa lalawigan.

Nahawaan umano ito matapos bumisita sa kanyang kakilala sa Maynila.

Nakitaan ng sintomas ang doktor nitong Marso 15 at agad naman isinailalim sa quarantine.

Dagdag pa ni Garcia, dalawa sa pitong kaso ng coronavirus sa kanilang lugar ay naka-recover na.