7 Government officials naka-quarantine sa coronavirus

Pitong opisyal ng gobyernong Duterte ang kinumpirmang naka-quarantine dahil sa coronavirus.

Ang pitong opisyal ay sumailalim sa self-quarantine sa pangambang nahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos makahalubilo ang mga taong nagpositibo sa virus.

Kabilang dito sina:

Senador Nancy Binay na may nakaharap na COVID-19 positive;

Senador Sherwin Gatchalian, may nakahalubilo ding COVID-19 positive;

Transportation Secretary Arthur Tugade, nakaengkuwentro rin ng COVID-19 positive;

Finance Secretary Carlos Dominguez may nakahalubilo ring COVID-19 positive;

Executive Secretary Salvador Medialdea na nakaharap si Dominguez;

Bases Conversion and Development Authority President, CEO Vince Dizon na may nakausap ding COVID-19 positive;

Manila Mayor Isko Moreno na galing naman sa London para sa ilang opisyal na trabaho.

Ang pitong opisyal ay nagsimulang mag-self-quarantine nitong Marso 11.