7.7 magnitude earthquake tumama sa Jamaica

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 7.7 ang offshore ng Jamaica nitong Martes, Enero 29.

Ito ang kinumpirma ng United States Geological Survey (USGS) sa pagyanig na naramdaman sa 125 kilometers (77.6 miles) north-northwest ng Lucea sa Jamaica.

Wala pang inisyal na ulat patungkol sa danyos o casualty sa nangyaring lindol.

Nag-isyu naman ng tsunami threat ang US National Weather Service’s Pacific Tsunami Warning Center matapos ang magnitude 7.7 quake.