Binigyan ng karapatan ng Labor Code of the Philippines ang mga may-ari ng mga kumpanya (employer) na isailalim sa probationary period of employment na anim na buwan ang mga bagong empleyado nila bago gawin na regular employee. Alam na alam ang paksang ito ng mga human resources manager at mga labor lawyer.
Kapag tumuntong sa ika-anim na buwan ang new employee sa kanyang trabaho at hindi sya pinadalhan ng notice of non-regularization ng kanyang amo o ng kumpanya sa anumang kadahilanan ay itinuturing na siya ng batas na regular employee at mayroon nang right to security of tenure at hindi na maaaring basta na lamang alisan ng anomang karapatan sa kanilang trabaho o hanapbuhay bilang empleyado maliban sa mga itinatadhana ng batas tulad ng just causes at authorized causes ayon sa Article 282 ng Labor Code. Isinasa-alang-alang ng batas na katumbas ng buhay at dignidad natin bilang tao ang pagiging manggagawa.
Ngunit kamakailan lamang ay ipinanukala ng House Bill 4802 ng Probinsyano Ako Party-List (PAPL) na amyendahan ang Article 281 ng Labor Code at payagan ang mga employer na maiwasan ang automatic regularization ng mga manggawa sa loob lamang ng anim na buwan. Nais pa na palawigin ni Rep. Jose Singson ang probationary period mula anim na buwan hanggang dalawang taon. Ayon sa mambatas, kulang at maikli ang anim na buwan para matiyak na kwalipikado ang bagong empleyado para maging regular lalo pa at mayroong mga trabaho na nangangailangan ng kakaiba kakayanan at talento.
Sa kabilang banda ayon sa Kinatawan ng PAPL dahil diumano sa maikli at mabilis lang ang anim na buwan, maraming mga employer ang pinipili na basta na lamang hindi gawing regular ang mga bagong empleyado kung hindi sila nakatitiyak sa kakayanan nilang magpatuloy bilang regular employee o habang panahon na magtiis sa hindi mahusay na regular employee. Masakit daw sa ulo gayundin sa bulsa kapag ginawa nilang regular employee sa loob ng anim na buwan ang empleyado na hindi akma sa standards ng kumpanya.
Ka-Chos!, payag ba kayo sa panukalang pagpapahaba ng probationary period of employment?