Magbibigay ng pabuyang $5,000 ang grupong Crime Stoppers sa magbibigay ng impormasyon na sa nasa likod ng pagkamatay ng isang Pinay nurse sa Texas, USA.
Nabatid sa isang online news na nasawi ang Pinay nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa Garland City na kinilalang si Joyce Cawis, 46, ng Tomay, La Trinidad, Benguet.
Nabatid na papasok ang Pinay nurse nang salpukin ang sinasakyan nitong SUV ng isang pick-up truck.
Malakas ang impact ng pagkakabangga dahilan para mapuruhan ito habang mabilis namang tumakas ang tsuper ng nakabanggang pick-up.
Sa ngayon ay nag-iimbestiga ang mga awtoridad sa Garland City sa pagkakakilanlan ng suspek.