5K Pinoy workers wanted sa Europa

Mangangailangan ng 2,000 hanggang 5,000 mga manggagawang Pinoy sa Slovenia, Europe, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ang mga kakailanganin ay household service at skilled workers gaya ng engineers at truck drivers. Isa sa requirement ng aplikante ay marunong itong magsalita ng Ingles.

Kinumpirma ng DOLE na binubuo na ng dalawang bansa ang labor agreement at matatapos na ito sa loob ng tatlong buwan.