56 gold na:Philippines top 1 pa rin sa day 4 ng SEA Games!

SEA Games MedalMalayung-malayo na ang agwat ng Pilipinas sa nasa no. 2 rank sa Southeast Asian Games.

Ito ay dahil nakapagtala na ang Pilipinas ng 56 gintong medalya sa ikaapat na araw ng palaro.

Base sa official tally ng SEA Games kasunod ng Pinas sa listahan ng may maraming gold ay Vietnam na may 27.

Third ang Malaysia, 21 gold; 4th ang Singapore, 18; panlima ang Indonesia 17; 6th ang Thailand na may 11 gold; Myanmar,Brunei at Cambodia tig-iisang ginto.

Ang SEA Games na hino-host ng Pilipinas ay gaganapin hanggang December 11 na nagbukas nitong November 30.