Limamput-dalawang Pinay na biyaheng Dubai at Taiwan para magtrabaho na-rescue ng mga operatiba ng Nationall Bureau of Investigation (NBI) sa Puerto Princesa International Airport.
Sa ulat, isang impormasyon ang nakarating sa NBI-Palawan hinggil sa gagawing pagbiyahe ng 52 kababaihan sa nasabing mga bansa gamit ang tourist visa.
Galing pa ang mga babaeng pinaniniwalaang biktima ng human trafficking sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Kasalukuyang inaalam ng NBI-Palawan ang pagkakakilanlan ng recruiter ng mga Pinay.