52 na! Patay sa C-130 military plane crash lumobo pa

Nasa 52 na ang bilang ng mga namatay sa nangyaring plane crash ng C-130 ng Philippine Air Force, ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Maj. Gen. Edgard Arevalo.

“49 soldiers, 3 civilians (ang namatay na). May namatay na dalawa, increasing the total from 47 to 49,”ayon kay Arevalo.

Samantala, isinantabi ni Arevalo ang anggulo ng “foul play” sa nangyari sa pagbagsak nito sa Patikul, Sulu.

“At the moment, looking at the circumstances we have at hand, the information that we know, we are ruling out any foul play. I have been asked previously if the aircraft could have been attacked. Based from the circumstances and the information at hand, these are not among the possible reasons why this accident happened,” sinabi ni Arevalo.

Ayon kay Arevalo maayos pa ang kondisyon nito at mayroon pa na 11,000 hours ng flying time bago sumailalim sa maintenance.

Sinabi pa nito na ang mga nagpapalipad nito ay mga “seasoned” at “rated” pilots.

Lumalabas sa inisyal na report, nag-overshoot ang eroplano sa runway ng Jolo airport at nag-skid sa malapit na bayan.

“When it hit the runway at the right speed, at the right time, at the right spot, it had to be a hard landing because of the relative shortness of the runway,” sinabi ni Arevalo.

“But even if it’s a short runway, a C-130 is capable of handling such length of a runway. This is not the first time the C-130 landed in this airport, we have not experienced problems in the past,” dagdag nito.

Personal namang nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Zamboanga at inalam ang kalagayan ng mga nakaligtas na sundalo gayundin ay nakiramay sa mga nasawi.