May isang grupo na naman ng mga Pinoy mula sa isang cruise ship sa California ang minomonitor sa coronavirus.
Ito ang kinumpirma ni Magsaysay People Resources Corp. President-CEO Marlon Roño nitong Huwebes, Marso 5 patungkol sa ginawang pagsusuri sa 500 crew ng cruise ship.
Paliwanag ng opisyal hinihintay na lamang nila ang test results na ginawa sa mga stranded na pasahero.
Kaugnay nito ay tiniyak ng opisyal ng barko na ligtas ang mga Pinoy crew.
Nabatid na pinagpaliban ng US officials ang pagbalik ng Grand Princess sa San Francisco mula Hawaii para tingnan kung may tinamaan ng COVID-19 sa mga pasahero.
Ang hakbang ay uniutos ng Princess Cruises matapos mamatay sa coronavirus o COVID-19 ang 71-anyos na lalaking pasahero.
Pagmamay-ari ng Princess Cruises ang Grand Princess ay pagmamay-ari na nag-operate ng ni-lockdown na Diamond Princess cruise ship sa Japan noong nakaraang buwan.
Sa pinakahuling ulat, nasa 11 pasahero at 10 crew ang inisyal na nahawa sa COVID-19 sa barko na may nasa 2,500 sakay.