5-year tourism program nilagdaan ng DOT sa SoKor

Pumirma si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa kasunduan para palakasin kapwa ang turismo ng Pilipinas at South Korea.

Sa ipinalabas na statement ng DOT, sina Puyat at South Korean Culture, Sports and Tourism Minister Park Yang Woo ay lumagda sa five-year Implementation Program on Tourism Cooperation (IPTC) sa Busan, South Korea.

“For nine years now, Korea is undisputed in its position as the top source market of the Philippines,” bahaging talumpatini Puyat matapos itong lumagda sa kasunduan.

“With this renewed pledge on tourism cooperation between the Philippines and Korea, we are hopeful we can sustain and intensify the already-strong ties with Korea that we enjoy,”dagdag nito.

Epektibo ang kasunduan mula 2019 hanggang 2024 na ang layon ay ipakilala ang kapwa mga programa at aktibidad upang lalong mapalakas ang tourism promotion at align tourism efforts ng dalawang bansa .

Sa ikatlong quarter ng taon ang South Korea ang nananatiling pinakamalaking bilang ng mga dayuhang dumarating sa Pilipinas o katumbas ng 1,450,792 arrivals at pagtaas ng 20.97% .