5-taong gulang na namatay sa isang malubhang sakit, konektado sa coronavirus?

Isang 5-taong gulang na batang lalaki sa New York ang ikalawang biktima na namatay mula sa isang hindi pa kumpirmadong sakit na pinaniniwalang konektado sa coronavirus.

Sa pahayag ni New York Governor Andrew Cuomo, sinabi nitong mayroon pang 73 bata ang kasalukuyang may malubhang sakit, kaya’t hinimok ang lahat sa mahigpit na obserbasyon at pagbabantay sa mga pangyayaring kahawig nito.

“While rare, we’re seeing some cases where children affected with the COVID virus can become ill with symptoms similar to the Kawasaki disease or toxic shock-like syndrome that literally causes inflammation in their blood vessels,” paghahayag pa ni Cuomo.

“This is every parent’s nightmare, right? That your child may actually be affected by this virus. But it’s something that we have to consider seriously now.”

Ayon sa ulat ng CBS New York, may isang batang lalaki ang namatay noon lamang isang linggo kung saan nakaranas ito ng ‘neurological complications’ na mas kinikilala ngayon sa tawag na ‘multi-symptom inflammatory syndrome’.

Ayon sa eksaminasyon ang batang lalaki ay nagtataglay ng ‘coronavirus antibodies’, isang indikasyon na nahawaan ito ng sakit kailan lamang.

Ang ‘syndrome’ ay pinaghihinalaang may kinalaman sa sakit na ‘Kawasaki disease’, isang bihira ngunit napaka-seryosong sakit, at naitala sa mga batang nasa United Kingdom na nagkaroon ng COVID-19.

Lima (5) sa isang daang (100) kumpirmadong kaso ay nasa Chicago, kasama na ang isang sampung (10) taong gulang, na ipinasok sa ICU sa loob ng isang (1) linggo.

Kawasaki disease Covid-19Nito lamang nakaraang linggo, labing-limang (15) bata ang na-ospital taglay ang hindi pa makumpirmang sakit. Ayon sa liham ng Commissioner ng New York City Health Department’s Division of Disease Control, habang ang sintomas ay magkakaiba sa mga apektadong bata, depende sa bahagi ng katawan na lubhang naapektuahan, lahat umano ay nagpakita ng “features of Kawasaki disease or features of shock.”

Ayon pa rito, ang lahat ay nakaranas ng malubhang lagnat, ang higit sa kalahati (1/2+) ay nagkaroon o nakaranas ng ‘rash’, pananakit ng tiyan, pagsusuka o pagtatae, at ang natitira pa ay nakaranas ng ‘respiratory symptoms’.