5 milyong mahihirap na pamilya, idadagdag sa SAP

Harry Roque SAPMay 5 milyong mahihirap na pamilya ang idaragdag bilang benipisyado ng Social Amelioration Program (SAP), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isinagawa nitong press briefing, Lunes, Mayo 4.

Sa kasalukuyan, may 18 milyong mahihirap na pamilya na lubhang naapektuhan ng ibinabang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng pandemyang COVID-19 ang bibigyan tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P 5 hanggang 8 libong piso sa loob ng dalawang buwan batay sa regional wage law ng lugar.

Ayon kay Roque, mayroon nang kabuuang 23 milyong pamilya ang mabibigyan tulong pinansiyal sa pamamagitan ng SAP.

Pang-unawa naman ang hiling ng tagapagsalita ng Pangulo sa mga hindi mapabibilang dahil alam niyang marami pa rin ang pamilyang maiiwanan.

Matatandaang nahirapan sa pamamahagi ang mga lokal na pamahalaan ng SAP cash subsidy dahil sa pagtukoy o balidasyon nang kung sino ang dapat bigyan.

Kahit pa man sinabi ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad na kinakailangang sa loob ng 24 oras nang pagkatanggap ng pera ay ipamigay na, wala pa ring nakatupad sa ibinigay na takdang araw.

Marami ang nagrereklamo na sila ay dapat mapabilang dahil sa sobrang hirap na nararanasan ngayong may ECQ.

Dinagdagan ng pitong araw ang pamamahagi ng SAP dahil walang lokal na pamahalaan na nakasunod sa itinakdang deadline na ika-30 ng Abril.

Karamihan sa mga local na pamahalaan ay nahirapan sa pagtukoy kung sino ang talagang bibigyan dahil kulang ang pondo sa bilang ng mahihirap sa sa bawat lokalidad.

Itinakda ang bagong deadline sa pamamahagi ng ayuda sa SAP sa Mayo 7.

Sa huling ulat ni DSWD Secretary Rolando Bautista ukol sa pamamahagi ng SAP nitong Mayo 3, nasa P80.08 bilyong pondo na ang naibaba sa 1,516 lokal na pamahalaan o 98.63% ng unang SAP tranche.

May P48.5 bilyon SAP cash subsidy naman ang naipamahagi naman ng mga local na pamahalaan sa 8.2 milyong mahihirap na hindi benipisyado ng 4Ps.

May 385 naman mula sa 1,216 pamahalaang lokal ang 100% nakakumpleto na ng pamamahagi ng ayuda sa kani-kanilang nasasakupan.

Sa bilang na ito, 10 naman ang nakapagbigay na ng mga kaukulang dokumento para sa likwidasyon sa mga Field Offices.

Mahigit sa P16.3 bilyon ang naibigay sa abot sa 3.7 milyong benipisyado ng 4Ps card holders at abot sa P327 milyon ang naibigay sa 84,683 na non-cash card benipisyado.

Mga 323.3 milyong drayber naman ang nabigyan ng SAP subsidiya na umaabot sa P48,418.00.

Sa kabuuang total, 12, 040,762 SAP benipisyado ang nabigyan ng umaabot sa halagang P65.2 B.

May nakalaang kabuuang P 200 bilyong badyet para sa SAP, sa orihinal na plano, ito ay ipamamahagi sa 18 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na lubhang naapektuhan ng implementasyon ng ECQ dulot ng COVID-19.

Kabilang sa mga tukoy na benipisyado ng SAP emergency subsidy ang mga sumusunod:

benipisyado ng 4Ps;

Senior Citizens na walang pensyon o anumang ayuda;

mga may kapansanan na nawalan ng kita;

mga high risk na buntis na nawalan din ng kita;

mga solo parent;

overseas Filipinos in distress;

mga taong lansangan at indigenous groups at mga informal workers katulad ng mga nagtitinda, tricycle at jeepney drivers at iba pa.

Source: Lucia F. Broñio, Philippine Information Agency, May 5, 2020