5-anyos nag-drive para bumili ng sports car

Utah 5yr old driverIsang 5 taong gulang na lalake ang nagmaneho ng SUV sa California para bumili ng Lamborghini.

Sa tweet ng Utah Highway Patrol, namataan ito ng kanilang tauhan na palipat-lipat ng linya kaya pinara nila ito.

Inakala nila na nakainom ang driver. Sa kuwento ng bata, nag-away umano sila ng kanyang ina matapos sabihin nito na hindi siya bibilhan ng sports car.

Dito niya napagdesisyunan na patakas na imaneho ang kanilang sasakyan at bumili na dala lamang ay $3.

Nakabiyahe ito sa layong dalawa hanggang tatlong milya.

Dahil sa nag-trending ang balita worldwide, nag-offer ang businessman na si Jeremy Neves ng Utah, na pasakayin ang bata sa kanyang matte black, two-sweater Huracan.