4 day work week nakasalalay kay Bello

May malaking papel na gagampanan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa isinusulong na 4-day work week sa mga manggagawa sa buong bansa.

Ito ay dahil nais muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na marinig ang pananaw ng kanyang mga gabinete , partikular ni Secretary Bello bago pagpasyahan ang mungkahi.

“I have to discuss it with the — I have to discuss it with the Cabinet. I have to discuss it with Bello and the rest.I have not yet decided really. I just want to hear,” reaksyon ng Pangulo sa panukalang 4-day work week.

Ayon pa sa Pangulo gusto muna niyang marinig ang pananaw ng kanyang economic managers dahil kailangang ikunsidera rin ang panig ng pribadong sektor sa usaping ito.

Ang reaksyon ng Pangulo ay bunsod ng plano ng Kamara na isulong ang 4- day workweek para mabawasan ang problema sa matinding traffic sa Metro Manila.