395 distressed OFWs balik-Pinas

Pumalo na sa 395 distressed OFWs sa Saudi Arabia ang naiuwi sa Pilipinas Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa loob ng halos dalawang buwan.

Sa 395 mga inabusong mga OFW, 59 dito na galing sa Riyadh na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang umaga, Oktubre 17.

Nangako ang POLO na bago mag-Pasko ay mas marami pang may problemang mga OFW ang maiuuwi an ng bansa.