30 Pinoy worker lumikas sa Libya

Mahigit sa 30 Pinoy worker ang lumikas na sa kaguluhan sa Tripolo.

Ito ang kinumpirma ng Philippine embassy sa Libya reported.

Nitong Sabado, Enero 11, 2020 ay inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na nakatira malapit sa luga kung saan nangyayari ang kaguluhan na lumikas na sa kanilang tirahan o hindi man ay humiling na ng repatriation.

Sinabi ni Embassy Chargé d’Affaires Elmer Cato na limang nurse ang tumakas sa housing compound sa Tarik Shuk District matapos na paulanan atakehin noong Enero 8.

Sa nasabi ring araw ay pinasabog ang isang klinika malapit sa Salahuddin District kung saan ay walong nurses ang ni-rescue ng embahada.

Kinumpirma rin ni Cato na isang rocket ang tumama sa ospital noong Enero 10 kung saan nagtatrabaho ang may 31 Filipino nurses at kanilang mga dependents.

Ligtas na ang 31 Pinoy worker at wala sa mga ito ang humiling na ma-repatriate.

Sa kasalukuyan ay mayroong 400 Filipino worker kasama ang kanilang mga dependent ang nakatira sa ilang lugar sa kung saan nangyayari ang sagupaan.

Inabisuhan ang mga ito ng opisyal na lumikas na sa lalong madaling panahon para maiwasang maging collateral damage.

Kaugnay nito ay siniguro ni Cato na handa ang embahada na pagkalooban ng temporary shelter ang mga apektadong Pinoy worker.