Kalunus-lunos ang sinapit ng mga taga-Mindanao na apektado ng sunud-sunod na paglindol matapos na malason sa donasyong mga pagkain.
Partikular na nalason ay ang 30 evacuees mula sa Cotabato na agad na isinugod sa ospital matapos makaranas ng pagsusuka at pagtatae.
Ayon kay Cotabato Acting Vice Governor Shirlyn Macasarte ang mga biktima ng lason ay kabilang sa mga evacuees mula sa Malabuan at Patulangon evacuation centers sa Barangay Malasila sa Makilala na nakakain ng mga ipinamigay na mga packed foods.
Isa sa nalason ang nagsabing nagsuka at nagtae matapos na kumain ng daing na isda at binalot sa dahon ng saging na karne ng baboy.