Sa kanyang advanced birthday celebration, pinili ni Sandara Park na bumalik ng Pilipinas at mag-enjoy sa Bohol.
Sa kanyang Instagram account, pinost niya ang kanyang Bohol trip at hindi mawawala ang pag-popose niya sa world’s famous Chocolate hills.

Unang nakilala si Sandara sa Pilipinas sa artista search show na ‘Star Circle Quest” noong 2004.
Lumipad siya pabalik ng South Korea at naging miyembro ng K-pop girl group na 2NE1.