250K mawawalan ng trabaho sa Pinas dahil sa coronavirus

Nagbabala ang Asian Development Bank (ADB) na tinatayang nasa 252,000 mga trabaho ang mawawala dahil sa patuloy na banta ng coronavirus.

Ayon pa sa ADB katumbas ng pagkawala ng trabaho ng 252,000 ay ang pagkalugi din ng ekonomiya ng bansa ng mula $669 milyon hanggang $ 1.94 billion.

Limang sektor naman ang direktang tatamaan ng pananalasa ng China virus. Ang mga bansa namang kasapi ng ADB na may direktang ugnayan sa China ay labis na apektado, ayon sa inilabas na report ng ADB na may titulong ‘The Economic Impact of the COVID-19 Outbreak on Developing Asia.”