22 katao tumanggap ng Villar SIPAG award

Ang 22 kataong naging recipient ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Awards on Poverty Reduction ngayong taon.

Nasa ikatlong taon na ang Villar SIPAG Awards na kumikilala sa kakayahan ng mga Pinoy sa iba’t ibang sektor katulad ng paglaban sa kahirapan sa kani-kanilang mga komunidad.

Cynthia & Manny Villar

Kasama rin sa pinarangalan ng Villar SIPAG ay ang mga natatanging mga kooperatiba mula sa buong bansa na malaki ang naitutulong sa pag-ahon sa mga kababayan sa kahirapan sa pamamagitan ng kanilang mga proyekto o programa.

Ito ay taunang kumpetisyon para kilalanin ang mga kooperatiba at gantimpalaan ng karagdagang pondo para maipagpatuloy nila ang pagtulong sa mga Pilipino.