21 Pinoy pa, nagka-COVID-19 abroad

Sa bagong update ng Department of Foreign Affairs (DFA), nadagdagan ng 21 kaso ng Pinoy sa ibang bansa na nagpositibo sa coronavirus, Sabado.

Sa ngayon, ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na infected sa abroad ay 651.

Kinumpirma rin ng ahensiya na may 16 na bagong naka-recover, na nasa kabuuang 188 ang discharge na sa ospital abroad.

Lima naman ang naitalang namatay, na may kabuuang 84 Pinoy na pumanaw sa ibang bansa.

Umabot na sa 40 bansa ang may record na Pinoy na infected ng COVID-19.

Pinakamataas sa Asia-Pacific na may 226; Europa na may 220; America, 125; at Middle East na may 80 pasyente na tinamaan ng virus.