Inihain kamakailan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Kamara ang kanyang House Resolution 535 na humihiling dito na ideklara ang 2020 bilang ‘Disaster and Climate Emergency Awareness Year,’ isang panawagan para sa patuloy at lalong pinaigting na pagpukaw sa kamalayan ng bansa sa banta ng lalong lumalakas na mga bagyong dulot ng ‘climate change.’
Ang HR 535 ay bilang tugon sa panawagan ng Philippine Councilor’s League (PCL) na dumalaw sa Kamara ang mga lider matapos ang ‘First PCL Conference on Climate-Disaster Resilience and Federalism Governance’ nila sa Quezon City.
Pinangunahan ni Albay Board Member Jesciel Richard Salceda, hiniling nila sa mga mambabatas, kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano, na ikonsidera ang ‘working output’ ng kanilang PCL climate change conference – na madeklara ang 2020 bilang ‘Disaster and Climate Change Awareness Year.’
Ayon kay Salceda, na tinanghal ng UN bilang DDR-CCA Senior Global Champion na sobra na ang paghihirap ng Pilipinas sa pananalasa ng mga kalamidad kaya kailangan na nito ang “whole-of-government and whole-of-nation policy response” sa mga ito.
Bukod sa pagdeklara sa 2020 bilang ‘Disaster and Climate Emergency Awareness Year,’ inamuki din niya ang kapwa niyang mga mambabatas na: 1) Paigtingin lalo ang ‘oversight functions’ nito sa mga programa at hakbang ng mga ahensiya ng gubiyerno kaugnay sa mga epekto ng mga kalamidad at ‘climate change’ sa mga karapatang punamental ng mga Pilipino; 2) Tiyakin na maipasa ang panukalang paglikha ng Department of Disaster Resilience; at 3) isulong ang istratihiyang ‘whole-of-government, whole-of-nation and whole-of-society, sa pagtugon sa mga kalamidad, lalo na sa mga LGU at pamayanang sa bansa na lantad sa mga ito.
Sa pulong noong 2016 ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) kung saan kasama ang Pilipinas at kung saan pinagtibay ang Paris Agreement, kinila doon ang kahalagahan ng wastong paggamit ng agham at akmang mga teknolohiya sa tugon sa ‘climate change’ maging ligtas ang sangkatauhan.
Kamakailan, inaprubahan ng UN-Green Climate Fund (GCF) ang $10-milyong ayuda sa Pilipinas para sa ‘multi-hazard impact-based forecasting and early warning system’ (MH-IBF-EWS) ng bansa. Susundan pa ito ng $58-milyon sa Pebrero 2020 para sa kahalintulad na mga proyekto. Si Salceda ang unang Asyano at Pilipinong nahalal na co-chairman ng UN-GCF kung saan inihalal siyang kinatawan ng 172 mga bansa sa Africa, Latin Amerca ar Asia, kasama ang China at India.
Pinuna ni Salceda, na chairman ngayon ng House Ways and Means Committee, na sobrang pananalanta na ang tinamo ng Pilipinas sa mapaminsalang mga nakaraang bagyo kasama ang mga Bagtong Reming noong 2006, Ondoy at Peping noong 2009, Yolanda noong 2013 na nagiwan ng mahigit 6,000 patay, Pablo at Sendong, na nanalasa sa Mindanao; at Urduja, Vinta, Rosita at Usman noong 2017-2018; at ang El Niňo at mga sunog sa kabundukan na likha nito noong 2015-2016 na lumusaw sa bilyong pisong halaga yaman sa agrikultura.
“Sadyang kailangan ng mga kalamidad na ito ang wastong tugon ng pamahalaan – pambansa at lokal – at pati ang paggasta san g bansa at dapat ding nakakatugon sa mga ito,” madiing sabi ni Salceda.