2019 Aeronautical Engineering Board exam inilabas na!

Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng Aeronautical Engineer Board Examination na ginanap nitong Nobyembre ngayong taon.

Sa 525 examinees ay 340 ang pumasa ayon sa PRC.

Nanguna sa board exam ang PATTS College of Aeronautics graduate na si Roman Isler Alcantara III na nakakuha ng 91.90 percent passing rate.

Ang mga sumusunod ang mapalad na pasok sa top 5 : Ivan Caceres Chico (90.90%), Marcial Lawrence Rizo (90.45%), Alyssa Tamargo (90.25%), na mga graduate ng Philippine State College of Aeronautics-Pasay, at Vincent Morales ng Mats College of Technology (89.95%).

Para sa kumpletong listahan  bisitahin ang:

https://www.prcboard.com/2019/11/topnotchers-aeronautical-engineering-board-exam-result-November-2019.html