2 UST, PUP grad topnotcher sa ECE board exam

Level-up na ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil dalawa sa mga graduate dito ay pasok sa top 10 sa Electronics Engineer board exam pinantayan ang University of the Santo Tomas (UST).

Ito ang inilabas na resulta ng Philippine Regulatory Commission (PRC) sa katatapos na board exam.

Gayunman ay nasungkit ng UST ang top 1 at top 10. Pumuwesto naman ang dalawang electronic engineering graduate ng PUP sa top 3 at top 5.

Si Neil Kenneth Tamina Mendoza ng UST ang top 1 na may iskor na 92.00.

Ang top 3 naman na graduate ng PUP ay si Adrian Miguel Sofia Umengan, 91.00 at top 5 Charlene Andaya Alcira, PUP-Sta. Rosa, 90.00 habang ang top 10 na mula sa UST ay si Jay Patrick Monton Nieles, 89.10.