Wagi ang magkapatid na Pinoy sa naganap na 26th International Ice Carving Competition sa Lake Louise, Alberta.
Sina Ross at Antonio Baisas ay nakipaglaban sa siyam na team para i-represent ang ating bansa sa loob ng 32 hours na pag-uukit sa yelo.
Nanalo ang makapatid ng 5th place sa kanilang ‘Steampunk Rivalry’ theme, habang second place naman si Ross sa one block speed competition at people’s choice award.
Ang magkapatid ay galing sa bayan ng Paete, Laguna na ‘Carving capital of the Philippines.’