2 Pinoy nabangga sa Singapore, patay

Dalawang Pinoy ang patay habang apat ang sugatan dahil sa car accident sa Lucky Plaza shopping Center sa Orchard Road, Singapore, Linggo.

Kinumpirma ni Minister and Consul General Adrian Candolada ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore ang aksidente na kinasangkutan ng anim na overseas Filipino workers (OFW).

Namatay ang dalawang Pinoy habang ang apat ay nasa ospital pa rin, dalawa dito ay nasa intensive care unit.

Nahuli na ang 64 taong gulang na driver na bumangga sa railing bago mapunta sa mall at nakasagasa ng ilang tao.

Nangako naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng tulong sa mga biktima.