2 pang Pinoy sa Singapore, positibo sa COVID-19

Dalawa pang Pinoy ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Singapore.

Ayon sa report, ang case 205 ng Singapore ay isang babaeng 30 taong gulang na may Singapore Long Term Visit pass na galing sa Pilipinas niton Pebrero 27-Marso 6.

Ang 35 taong gulang na babae naman na case 211 ay nagkaroon interaksyon sa nag-positibo sa virus.

Parehong nasa isolation ng National Centre for Infectious Disease (NCID) ang dalawang Pinoy.

Sa ngayon ay mayroon nang siyam na Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore. Isa sa mga ito ay naka-recover na.