Nadagdagan ang kaso ng namatay sa coronavirus sa Pilipinas.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Health, pumanaw na ang pasyenteng naratay sa Manila Doctors Hospital.
Ayon sa DOH ito ay ang Patient 35 na 67-anyos na babae.
“The reported death is the patient with ID PH35 confined at the Manila Doctors Hospital in Manila City,” ayon sa statement ng DOH.
Ang unang death toll sa COVID-19 sa Pilipinas ay isang 44-anyos na Chinese na lalaki na na-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila.