2 heneral sa helicopter crash sa Laguna, kritikal

Helicopter crash Laguna“Unconscious” at nasa “critical condition.”

Ito umano ang kondisyon ng dalawang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na kasama ni Chief Gen. Archie Gamboa sa bumagsak na helicopter sa San Pedro, Laguna noong Marso 5, 2020.

Ito ang pahayag ni Lt. Gen. Camilo Cascolan, PNP Deputy Director for Administration at OIC ng PNP.

Ang dalawang general na wala pa ring malay hanggang ngayon ay kinilalang sina Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence; at Maj. Gen. Jose Maria Ramos, Director for Comptrollership.

Naka-confine ang dalawang general sa Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center sa Laguna.Ayon naman kay Maj. General Benigno Durana, Director of the PNP Directorate for Police Community Relations, tinututukan ang lagay ng dalawang heneral.

“Si General Magaway and si General Ramos ay nasa critical condition and they are being well taken care of by our doctors based in Laguna,” paniniyak ni Durana.

Si Gamboa naman ay maayos na ang lagay at naglabas pa ng video ang PNP para patunayang ligtas ito at sa Marso 9 ay babalik na sa trabaho.

Matatandaang bumagsak ang sinakyang helicopter ng PNP chief kasama ang iba pang opisyal ng PNP sa Laguna nitong Huwebes matapos na sumabit sa kawad ng kuryente nang
mag-zero visibility.