2 estudyante sinagip ang nalulunod na lolo

Sinagip ng dalawang senior high school student ang lolo na inanod sa ilog sa Caramoan, Camarines Sur.

Tumawid ng ilog ang 74-anyos na si Prospero Seuno na galing sa bukid. Sa lakas ng agos ng mga oras na iyon ay inanod siya.

Unang nakita si Seuno ng guwardiya ng paaralan na agad namang humingi ng saklolo.

Dali-daling sinagip ng senior high students na sina Edward Ortil at Joshua Amaro ang matanda na tanging ulo na lang ang nakikita habang inaanod.

Pinagmamalaki naman ang dalawang estudyante ng kanilang paaralan at paparangalan ng dibisyon ng Department of Education sa kanilang kabayanihan.