Nasa recovery stage ang dalawang anak na babae ni Angelina Jolie matapos itong maoperahan.
Ayon sa ‘Maleficent’ star, dalawang buwan nagpabalik-balik ang kanyang panganay na babae para magpaopera at ang nakababata naman ay nitong nagdaang araw para sa kanyang hip surgery.
May anim na anak si Angelina at ex-husband Brad Pitt na sina 18-year-old Maddox, 16-year-old Pax, 15-year-old Zahara, 13-year-old Shiloh at 11-year-old twins Vivienne at Knox.
Hinikayat ng kanyang mga anak na babae si Angelina na isulat ang “Why Girls Deserve Love and Respect on International Women’s Day” upang maging inspirasyon sa mga sumasailalim sa medical challenges.
‘Supportive and sweet’ naman ang kanyang mga anak na lalaki sa kanilang sisters.