1M likes agad! Birthday photo shoot ni Anne trending

Winner ang ipinost na photo ni Anne Curtis sa mismong araw ng kanyang kaarawan nitong Pebrero 17.

Isang nude photo ng aktres ang gumulantang sa social media world.

Anne Curtis pregnant photoshoot

Kaya naman makaraan ang ilang oras ay umani na agad ito ng sangkatutak na likes at bago mag-alas-12 ng hatinggabi ay umabot na ito sa mahigit isang milyon.

Ang aktres ay nasa Melbourne, Australia ngayon para hintayin ang kanyang kapanganakan.

Tinawagan ang aktres ng mga kasamahan nito sa ‘It’s Showtime’ para batiin at kumustahin.

“Super relax lang … ayon, malapit ng lumabas si baby kaya nakakainip pero miss na miss ko na rin kayo (Showtime family) pero I am so happy that I get to have this time talaga to showcase and prepare myself to become a mom,” tsika ng misis ni Erwan Heusaff.