170K bulok na PUJ hindi igagarahe

Tiyak na magsasaya ang mga tsuper ng may 170,000 mga lumang pampasaherong jeep dahil hindi na sila wawalisin sa kalsada katulad ng naunang pagbabanta ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ang inihayag kagabi ni Senador Sherwin Gatchalian sa budget deliberation ng 2020 national budget.

Sinabi ni Gatchalian na walang ipi-phaseout na 170K lumang jeep sa jeepney modernization program.

Pagbibigay-diin ng Senador hangga’t pasado sa road worthiness test katulad ng emission at safety test.

Nauna nang sinabi ng DoTr ang nakatakdang pagwalis sa 170K mga pampasaherong jeep sa 2020 bilang pagsasakatuparan ng modernization program ng gobyerno.