16-oras ‘Traslacion 2020’ record breaking

Traslacion 2020Sa loob lamang ng mahigit 16-oras ay natapos ang taunang ‘Traslacion.’

Ito ang pinakamaiksing oras ng pagdaraos ng ‘Traslacion’ sa nakalipas na mga taon.

Sa record ng Manila City Hall partikular ang MMRDMO, alas-8:45 ng gabi nang maipasok sa Quiapo Church and Andas ng Itim na Poong Nazareno.

Alas-4:15 naman ng madaling-araw nang simulan ang ‘Traslacion 2020’ mula sa Quirino Grandstand matapos ang ginawang ‘Pahalik’ para sa mga deboto.

Umabot naman sa 3.3 milyong mga deboto ang naging bahagi ng mahigit aa 16 oras na Traslacion.

Sinasabing record breaking ang iksi ng oras ng Traslacion ngayong taon dahil
kung ikukumpara ito sa dating oras ay naitala noong 2019 sa 21 oras.

Umabot naman sa 22 oras noong 2018 at 2017: 20-oras noong 2016 at 19 -oras noong 2015.

Labis naman ang kasiyahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa maiksing oras na Traslacion bukod pa sa naging maayos ito at hindi lumikha ng matitinding kaguluhan.