Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 158,000 mga manggagawa ang nawalan ng trabaho mula Enero hanggang Hulyo dahil sa mga ipinatutupad na lockdown para mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Ayon sa inilabas na DOLE job displacement report nitong Lunes, Agosto 10 nasa 157,705 workers ang nawalan ng kayod mula sa 7,759 kompanya sa buong bansa.
Naitala aman sa 7,993 kompanya ang nagpatupad ng workforce reduction habang 766 ang napaulat na permanente nang nagsara.
Sa National Capital Region (NCR) nakapagtala ng pinakamaraming nasibak na nasa 75,178 kabilang ang 4,668 na apektado mula sa 235 establisiyementong permanenteng tumigil na sa operasyon.
Karamihan sa mga apektadong empleyado ayon sa DOLE ay mga administrative, support service at mula sa manufacturing sector.