15-year-old, ang choreographer ng Red Velvet

Ang 15-year-old na dancer na si Bailey Sok ang dance choreographer ng bagong kanta ng Red Velvet na ‘Psycho’.

Si Bailey Sok ay sumikat sa kanyang pagsasayaw na kanyang inuupload sa YouTube.

Pinost ni Bailey sa kanyang Instagram account na siya ang isa sa main choreographer ng comeback song ng Red Velvet.

Ito ang unang choreography ni Bailey para sa isang Kpop group ngunit naging masaya naman siya katrabaho ang ‘skeleton crew’, na isang grupo ng batang dancers na katulad niya.