13-year-old tinamaan ng coronavirus sa Pinas

Ang 13 taong gulang na Pinay ang isa sa bagong kaso na nagpositibo sa coronavirus sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, siya ang pinakabatang tinamaan ng COVID-19 sa bansa, na residente ng Quezon City.

Nagpakita siya ng sintomas ng sakit noong Marso 4 at nakumpirmang positibo, Linggo.

Kinumkumpirma pa ng DOH kung saan ito naka-confine.