Mukhang pasiklab ang gobyerno dahil may covid testing center na itong kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng 12-oras.
Isa sa nagpatotoo ay si Jocelyn Rivac.
Ayon kay Rivac ang one shop ay hindi lamang para sa mga overseas Filipino worker (OFW) kundi pati mga non-OFW o turista tulad niya ay nakikinabang sa mabilis, maginhawa at maasahang serbisyo ng pamahalaan para sa ligtas na repatriation sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Pagbibida ni Rivac sa loob ng 12 oras ay nakuha na niya ang resulta ng kaniyang swab test na isinagawa ng isa sa mga medical personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa One-Stop Shop sa NAIA Terminal 2.
Matatagpuan ang OSS sa NAIA Terminal 1, 2, at 3 na tulung-tulong na pinangangasiwaan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA), Office for Transportation Security (OTS), Manila International Airport Authority (MIAA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine National Police (PNP), at ng Bureau of Quarantine (BOQ).