106-anyos gumaling sa COVID-19

Covid-19 survivorIsang 106 taong gulang na babae sa Britain ang gumaling sa coronavirus.

Si Connie Titchen ang tinatayang pinakamatandang pasyente sa Britain na nakipaglaban sa virus sa loob lamang ng kumulang tatlong linggo.

Pagkalabas ni Titchen sa ospital, sinabi nito ng excited na siyang makita ang kanyang pamilya at kumain ng masarap na pagkain.

Pinangak si Titchen noong 1913 at nasaksihan ang dalawang world war.

Na-admit siya noong Marso sa hinihinalang pneumonia at na-diagnose na may COVID-19 kalaunan.

Ayon sa kanyang apo, physically active ang kanyang lola ngunit mahilig kumain ng Mcdonalds.