10,000 yuan pabuya sa may COVID-19

Nakahandang magkaloob ng pabuya ang mga opisyal ng lalawigan kung saan unang pumutok ang coronavirus o COVID-19.

Sa ulat nagdesisyon ang Qianjiang, Hubei province, China na magbigay ng 10,000 pabuya sa kanilang mga mamamayang may COVID-19.

Ang hakbang ay ipinatupad upang hindi matakot na lumantad ang mga residente nilang may sintomas o kumpirmadong may coronavirus. Sa ulat ng online news na CNN, sa ilalim ng programa magbibigay ng pabuyang aabot sa 10,000 yuan ang siyudad ng Qianjiang sa kanilang mga residenteng magre-report ng kanilang kalagayan.

May matatanggap din ang mga pasyenteng pinagsususpetsahan pa lang na may virus o katumbas ng 2,000 yuan.

Sa pinakahuling ulat ay naitala na sa 197 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Qianjiang habang 65,596 naman sa Hubei.