10 OFW sa New York pineke ng ambassador ang US visa

Kinasuhan ng mahigit 10 Pinoy worker ang isang dating United Nations ambassador at dalawang kasamahan nito dahil sa pamemeke ng US visa.

Ang mga kinasuhan ng conspiracy to commit offenses at defraud and conspiracy to induce aliens to come to, enter and reside in the country ay sina Abdeslam Jaidi, ex-wife na si Maria Luisa Estrella at kapatid ng huli na si Ramon Singson sa isang district court sa White Plains, New York.

Nag-ugat ang kaso sa pagbitbit ng mga ito ng mahigit sampung Pinoy at Moroccan worker sa US mula 2006.

Nakasaad umano sa visa application ng mga OFW na magtatrabaho ang mga ito bilang administrative o technical staff sa consulate o Moroccan UN mission ngunit pinagtrabaho ang mga ito bilang personal driver, domestic helper, at caretaker.

Nadiskubre rin ang mga akusado na sangkot sa pamemeke ng employment contract, pagbibigay ng mababangsahod at walang day off .

“This case sends a strong message that diplomatic immunity does not equal impunity,” ani Martina Vandenberg, Human Trafficking Legal Center head.

Sakaling mapatunayan sa mga akusasyon ay mahahatulan ng lima hanggang sampung taong pagkakakulong ang mga sinampang kaso sa tatlo.