Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Linggo ang bagong apat na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Dahil sa bagong apat kataong nadale ng coronavirus ay naitala na sa sampu ang dami ng mga Pinoy na positibo sa COVID-19.
Ayon sa DOH, ang resulta ng sample sa lahat ng bagong kumpirmadong kaso na sinuri noong Sabado ay inilabas ang resulta nitong Linggo.
“DOH is currently investigating all the cases and gathering patients’ information from respective hospitals,” ayon sa opisyal na pahayag ng departmento.
Nakikipag-ugnayan din ang DOH sa ngayon sa mga Local Government Units at Centers for Health Development para sa magiging tugon at sa implementasyon ng infection prevention gayundin ang localized response and implementation of control measures” na dapat ipairal.