Isang nationwide mall sale ang itinakda sa susunod na buwan ng Marso.
Ito ang kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kabila ng patuloy na banta ng coronavirus (COVID-19) outbreak.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nakikipagtulungan na si Health Secretary Francisco Duque III sa Tourism and Interior Departments para masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng precautionary measure.
Ito ang kauna-unahang nationwide shopping mall sale ng Pilipinas na tatagal ng isang buwan.
Ang nationwide mall sale ay inilatag para ma-promote ang domestic tourism na tumamlay dahil sa travel ban dulot ng COVID-19.